Reklamong Trabahador  

Posted by Job in , , ,


Habang lumalaki ang sweldo mo, lumalaki ang tax. Dapat matutuwa ka. Pero hindi, kasi lumalaki din ang nababawas sa 'yo. Sa mga empleyado, tinatawag itong withholding tax. Wala kang takas dahil kinakaltas kagad ito sa sweldo mo.

Mahirap ang kalagayan ng mga empleyado. Paano sila yayaman kung sila lang ang nagbabayad ng tamang buwis? Yumayaman ang mga mayaman, dahil naiiwasan nila ang mawalan ng pera. Pero eto talaga ang mas malungkot, yung mga nakikita nating squatter, yung mga taong nang-aagaw ng cellphone, nandurukot, nanghoholdap.... HINDI SILA NAGBABAYAD NG BUWIS.

Pero saan ba nakukuha ang pang-pondo ng pang-relocate sa mga squatter? Pag may nahuling holdaper, san kinukuha ng gobyerno ang pambayad sa gastusin ng kulungan? Doble ang sakit nito sa mga kawawang biktima na tapat na nagbabayad ng buwis. Dalawang beses silang nanakawan. Nakakalungkot dahil kahit pwede silang mag-ingat para hindi na pisikal na manakawan, ay wala silang takas sa buwis.

May malaking problema tayo dahil sa paraan kung pano nauupo sa pwesto ang mga taong nagnanakaw ng ating buwis. Ito ay dahil halos 90% ng botante ay ang mga taong hindi nagbabayad ng buwis. Kahit na magkaisa ang lahat ng mga taong may utak at may malasakit sa bansa natin, hindi kayang labanan ang puwersang masa. Ang puwersa na laging binibili ng mga pulitiko. Pero bahala ka na, kung gusto mong maniwala na every vote counts. Hindi naman ako eksperto sa statistics.

Paano nga ba makaka-angat ang mga middle-class? May pag-asa pa ba na manaig ang mga matatalino at may silbi na populasyon laban sa mga walang kwentang salot? Mga mahihirap ang pinapaboran ng mga pulitiko. Boto kasi sila. Madaming boto. At yun lang naman ang mahalaga.

Kung umabot ka pa sa talatang ito, alam mo na rin dapat na wala na pag-asa. Mas mahirap ang solusyon pag TAO ang problema mo. Hindi mo naman sila pwedeng ubusin lahat. Dahil sinubukan na yun ni Hitler, at alam natin ang nangyari sa kanya.

This entry was posted on Monday, May 14, 2012 at Monday, May 14, 2012 and is filed under , , , . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

1 comments

Pwede mo ba dalhin ang payslip mo sa city hall at bulyawan ang mga walang ginagawa sa opisina?

Pakita mo lang kung gaano kalaki binabayad mo sa kanila para gawin ang trabaho nila. So may karapatan ka na utusan sila na mag trabaho sila, di yung panay tsismis ang inaatupag nila.

January 2, 2013 at 6:30 PM

Post a Comment